Hello
I've got this anecdote that i wrote.
this is about the life of my friend, John Paul catubig...!!
I wrote this because it is a requirement in our Filipino subject.
This selection is in Filipino langguage... I hope you like it!!!!!!!!!
Ang Talambuhay ni John Paul Catubig
Noong ika-7 ng Mayo, pinanganak ang isang malusog at maingay na sanggol na pinanglanang si John Paul Catubig. Bagaman lumaking walang kinagisnang ama, hindi ito naging hadlang upang maging masayahin at disiplinado siya. Wika nga niya, binubuhos na lamang niya ang pagmamahal niya sa kanyang ina.
Nang nasa tamang edad na ay pinag-aral siya ng kanyang ina ng kindergarten sa paaralan ng Lahug. Bata pa lamang siya ay kinakitaan na siya ng kakaibang katalinuhan. Katunayan niyan ay pumasa siya sa pagsusulit ng paaralan para sa lahat ng mga estudyanteng nasa ikalawang antas ng kinder. Ang pagsusulit na yaon ay para pumili ng mga matatalinong estudyanteng papasok sa "Science Class", isang lupon ng mga pinakamatalinong mga mag-aaral. Kaya nang tumontong sa unang antas ng elementarya ay napabilang siya sa seksyong yaon. Doon ay nahasang mabuti ang kanyang katalinuhan pati na rin ang kanyang talento sa pagsasayaw at pagkanta. Nagtapos siyang _________ honor sa Grade-one, ___________honor sa Grade-two, ___________ honor naman sa Grade-three, ________ honor sa Grade-four, sa Grade-five naman ay ________ honor at nagtapos siya ng elementarya na dala-dala ang parangal na __________ honorable mentioned.
Kumuha siya ng pagsusulit para makapasok sa Unibersidad ng Pilipinas. Ngunit, sa kasamaang-palad, hindi siya napabilang sa unang-70 mga mag-aaral na nakapasa sa pagsusulit na yaon. Katunayan niyan ay nasa ika-94 siya, sa madaling salita, napabilang siya sa mga reserba o yaong tinatawag na "waiting-list". Lubhang dinamdam iyon ni JP. Nalungkot siya nag husto dahil pangarap talaga niyang makapasok at makapag-aral sa prestihiyosong paaralan na iyon. May halong inggit ang kanyang nadama dahil marami sa kanyang mga kaibigan ang nakapasa sa paaralang iyon.
Bahagyang nakalimutan ni JP ang lungkot na iyon sa pagsapit ng kanyang kaarawan sa ika-7 ng Mayo. Nagsaya siya sa araw na iyon. Subalit may isang di inaasahang regalo siyang natanggap sa araw na iyon, isang regalong kumumpleto sa kanyang kaarawan. Isang tawag ang kanyang natanggap mula sa UP na nagbalita ng kanyang pagkatanggap sa unibersidad. Dahil doon ay naging ams maligaya pa ang pagdiriwang niya ng kanyang kaarawan. Buong pagmamalaki niyang binalita ang pangyayari sa kanyang mga kaibigan.
Naging mas makulay pa ang buhay ni JP sa pagpasok niya sa Unibersidad ng Pilipinas upang mag-aral. Bagaman hindi naman talaga nangunguna sa klase ay hindi rin naman nahuhuli. Nakikipagsabayan siya sa mga matatalino niyang mga kaklase.
Napalayawan siyang “iyakin” sapagkat madaling umiyak ang batang si John Paul. Ngunit dahil dito ay mas minahal siya ng mga tao sa paligid niya. Nakilala siya sa kanyang kabibuhan sa pagsayaw at sa kanyang paggiging mapagbiro. Sadyang matalento itong si JP. Kabilang sa mga talento niya ay ang pag-sayaw, pagkanta, pagtugtog ng gitara, pagkahilig sa sports at pag-arte. Minsan na rin siyang nakasungkit ng parangal sa larangan ng pag-arte. Nanalo siyang pinakamahusay na aktor sa ensemble acting na “ABAKADA”, sa Linggo ng Wika noong nasa ikaapat na taon na si JP. Isang pagtatanghal na napanalunan rin ng kanyang seksyong, Tan, bilang pinakamahusay na Direksyon at Produksyon.
Isa pang pangyayari na lalong nagpakulay sa buhay niya ay ang muli niyang pagpasa sa apgsusulit ng Unibersidad ng Pilipinas, ngayon sa antas ng kolehiyo. Isang bagay na lalo pang nagpataas sa kanyang kumpiyansa sa buhay at lalong nagpatingkad sa kanyang kinabukasan.
As you noticed, there are blanks.
I forgot those details about him so i just left them blanks.
heheheheheheh!!!!!!!
Did you like it???
Comments Please!!!!!!!!!!!!
Sunday, February 4, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment